Jamie Lim may isang chance sa Olympic ticket
MANILA, Philippines — May isang pagkakataon lamang si 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jamie Lim para makakuha ng tiket sa karate competition ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at hindi niya ito maaaring pakawalan.
“My upcoming qualifier next June will be my last and only shot for the Olympics, and I’m really setting my sights on it,” wika ni Lim, 22-anyos na anak ni PBA legend Samboy Lim, sa panayam sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour.
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga Pinoy athletes nag-qualify na sa Tokyo Olympics.
Sa Olympic qualifying tournament sa Paris sa Hun-yo ng 2021 ay tatlong silya lamang ang inilatag.
Kaya kailangang manalo si Lim sa preliminary rounds para makapasok sa isa pang round robin format kung saan ang top three karatekas ang magku-qualify.
“This is a long process for me, and I’m making the most of my time during this pandemic,” sabi ng summa cum laude ng University of the Philippines.
Asam din ang Olympic spot nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2016 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), 2019 World Championship winner Nesthy Petecio (boxing) at Fil-Ams Kristina Knott at Eric Shaun Cray (athletics).
- Latest