MANILA, Philippines — Habang hindi pa nagsisimula ang 83rd season ng UAAP men’s basketball, ine-enjoy muna ni University of the Philippines (UP) Fighting Maroons stalwart Ricci Rivero ang paglabas sa isang noontime show.
Isa sa mga regular cast member ng bagong noontime show ng TV5 na ‘Sunday Noontime Live’ si Rivero - na nag-pilot episode kamakalawa.
“See you again next week?! Had so much fun doing something new #SNLWelcomeParty,” wika ni Rivero sa Instagram.
Hindi na bago sa 2016 UAAP champion ang limelight ng showbiz dahil makailang-ulit na siyang lumabas sa mga pelikula gaya ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na ‘Otlum’.
Isa rin siya sa lead actor sa 2020 teen movie na ‘Happy Times’ kung saan kasama niya ang mga aktres na sina Sharlene San Pedro at Heaven Peralejo.