Abueva may lisensiya na
CLARK, Philippines — Nakumpleto na ni Calvin Abueva ang tatlong required na seminars ng Games and Amusement Board tungkol sa Professional Athlete’s Code of Conduct and Ethics via online mula dito sa Quest Hotel sa Mimosa Leisure Estate kaya naibalik na ang professional license ni Abueva na nasa probationary status muna sa loob ng anim na buwan.
Nasa kamay na ng PBA ngayon ang desisyon kay Abueva bagama’t magandang senyales ang GAB decision para sa kanyang posibleng pagbabalik mula sa indefinite suspension noong nakaraang taon pa.
*RACAL NADALE NG ACL- Malaking dagok agad ang nalasap ng Alaska sa PBA Bubble matapos madale ng complete ACL tear sa kanang tuhod si Kevin Racal sa unang laban nila noong nakaraang linggo kontra TNT Tropang Giga, ayon kay coach Jeff Cariaso.
Nasa Clark pa rin si Racal ngayon at hinihintay ang abiso ng doktor pero hindi na makaka-laro sa natitirang bahagi Philippine Cup.
Buti na lang at nakapasok na sa bubble si Fil-Am guard Maverick Ahanmisi kahapon at sumailalim na sa mandatory swab test pero dadaan pa sa two-day quarantine bago masama-han ang Aces sa ensayo. ‘Di pa sigurado kung lalaro na si Ahanmisi kontra sa Magnolia sa Sabado.
*Coach Bong, Kiefer malungkot- Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman nina TNT coach Bong Ravena at NLEX guard Kiefer sa pag-alis ni Thirdy patungong Japan.
- Latest