May barbershop na rin sa loob ng PBA bubble

MANILA, Philippines — Kung sina Beau Belga at Ryan Araña ay may ‘sari-sari store’, may barbershop naman si Matthew Wright.

Kung anu-ano na ang ginagawa ng mga PBA players sa loob ng Clark bubble sa Pampanga na tanda ng kanilang pagkaburyo sa loob na makikita sa kani-kanilang social media.

Goodbye na sa kanyang long-hair si Phoenix Super LPG Fuel Masters Alex Mallari nang mapagtripan niyang magpagupit sa teammate na si Matthew Wright gamit ang de-kuryenteng shaver.

Sa Instagram, ipinasilip ng four-time PBA cham-pion ang naging ‘barber’ session nila sa loob ng bubble habang nanonood ang iba nilang teammates na sina Jason Perkins at Mike Gamboa.

“No one has recognized me at 1st glance. Unfortunately the mullet was short lived,” nakakatuwang caption ni Mallari.

Sa susunod na linggo ang pagbabalik ng PBA para sa naaantalang 2020 Philippine Cup.

 

Show comments