Butler bumida sa panalo ng Heat
LAKE BUENA VISTA, Florida — Ayaw pang umuwi ni Jimmy Butler.
Tumapos ng triple-double si Butler para banderahan ang dehadong Miami Heat sa 115-104 pagresbak sa Los Angeles Lakers sa Game Three ng NBA Finals kahapon dito sa NBA bubble.
Kumolekta si Butler ng 40 points, 11 rebounds at 13 assists para idikit ang Miami sa 1-2 sa kanilang best-of-seven series ng Los Angeles.
Nagawa ito ng Heat bagama’t hindi uli nakapaglaro ang mga injured starters na sina Bam Adebayo at Goran Dragic.
“Win,” sabi ni Butler. “I don’t care about triple-doubles. I don’t care about none of that. I really don’t. I want to win. We did that. I’m happy with the outcome.”
Ito ang ikatlong 40-point triple-double sa finals history na inilista ni Butler, nagsalpak ng magandang 14-for-20 fieldgoal shooting para sa Miami, naisuko ang itinayong double-digit lead.
Nagdagdag sina rookie Tyler Herro at Kelly Olynyk ng tig-17 markers at may 13 at 12 points sina Duncan Robinson at Jae Crowder, ayon sa pagakasunod.
Pinamunuan ni LeBron James ang Los Angeles sa kanyang 25 points, 10 rebounds at 8 assists, habang nagdagdag sina Kyle Kuzma at Markieff Morris ng tig-19 points mula sa bench. Nalimita-han naman si Anthony Davis sa 15 markers.
“He’s one of the best competitors we have in our game,” wika ni James kay Butler. “Love that opportunity.”
Mula sa 12-point lead ng Heat sa dulo ng third quarter, naghulog ang Lakers ng 20-6 bomba para agawin ang trangko sa 91-89, 8:55 minuto na lang sa naturang yugto. Ngunit hindi bumitaw ang Miami at nagpakawala ng 22-9 atake sa pangunguna ni Butler para tuluyang ungusan ang Los Angeles.
- Latest