Beau Belga kinalaban ang sarili sa chess
MANILA, Philippines — Kalabanin ang sarili sa chess... yakang-yaka ‘yan ni Rain or Shine Elasto Painters big man Beau Belga.
Nabuburyo na ata si Belga ilang araw pa lamang sa loob ng PBA Clark bubble na naisipang hamunin ang sarili sa larong chess.
Sa Instagram, ipinakita ng two-time PBA champion sa isang video kung paano laruin ang chess na mag-isa. “Finding a way not to get bored in the PBA Bubble,” caption niya sa video.
Matapos itira ang puting piyesa, ay lumipat naman sa itim na piyesa si Belga para itira rin ito. Kinailangan niya pang pag-isipang maigi ang susunod na galaw na akalamo’y ibang tao ang kalaban at may pag-iling-iling pa ito. May mga audience pa ng nagbibigay ng kanilang komento at agad niya itong sinaway. “Puwede bang ‘wag kayong maingay, nagko-concentrate ako.”
Nagsimula na ang scrimmages ng mga koponan sa Angeles University Foundation Gym sa PBA bubble sa pagpapatuloy ng naudlot na Philippine Cup sa Oktubre 11 para sa kinapapanabikang pagbabalik ng pro-league.
- Latest