^

PM Sports

1st leg ng Triple Crown series lalarga bukas

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — May isang bigating kabayo na ‘di masisilayan sa paglarga bukas ng unang yugto ng Philracom Triple Crown Series, ang pinakaprestihiyosong karera para sa mga kabayong 3-taong gulang, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Maglalaban para sa tropeo ang mga kabayong Cartierruo (owner Melanie Habla, jockey KB Abobo), Four Strong Wind (Alfredo Santos, OP Cortez), Heneral Kalentong (Benjamin Abalos Sr., JB Guce), Runway (Joseph Dyhengco, MM Gonzales) at Tifosi (SC Stockfarm, JA Guce).

Hindi kasali ang tigasing batang kabayo na Union Bell at usap-usapan sa website ng karera na nagkaroon ng injury sa bandang paa ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse-of-the-year na Union Bell kaya hindi ito makakatakbo.

“Nagkaroon ng problema sa kuko ang Union Bell,” hayag ni Carmelo Silva sa website ng karera.

May kabuuang P3 million na papremyo ang nakataya sa karera na tatakbuhin sa distansiyang 1,600 meters kung saan P1.8 million ang mapupunta sa kampeon at P675,000 naman sa runner-up. Ang pangatlo at pang-apat ay tatanggap ng P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod.

Nagkampeyon ng dalawang beses ang Real Gold noong nakaraang taon matapos pangunahan ang una at ikatlong legs ng serye, samantalang ang Boss Emong naman ang nagwagi sa ikalawang yugto.

Itatakbo rin bukas ang Philracom Hopeful Stakes Race na magbibigay ng P1 million premyo at ang Philracom 3YO Locally Bred Stakes Race, na may P500,000 na nakataya. Ang dalawang karerang ito ay may distansiyang 1,600 meters.

Maglalaban naman para sa P600,000 na papremyo ng Hopeful Stakes ang After Party (SC Stockfarm, Jockey MM Gonzales), Batang Dragon (Alfredo Santos, JB Guce), Bourne Leader (Melanie Habla, JA Guce), Exponential (Raymund Puyat, JB Hernandez), La Republika (Mariano Tirona, AR Villegas), Maximum Risk (Peter Allan Limjoco, RG Fernandez), Prettiest Star (Ma. Theresa Floirendo, PJ A Guce), Primetime Magic (Ken Logistics Forwarders, RM Garcia), Sacred Syndicate (Running Rich Racing, KB Abobo), Spandau Ballet (Francisco Crisostomo, FM Raquel), Sweet Spot (Paul Aguila, CP Henson) and Zenaida (Cool Summer Farm, OP Cortez).

TRIPLE CROWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with