Eala lalaban sa French Open
MANILA, Philippines — Nakatakdang sumabak si Filipina tennister Alex Eala sa French Open juniors tournament nga-yong buwan.
Ang 2020 Australian Open girls’ doubles champ ay sasabak sa kanyang ikalawang Grand Slam tournament ngayong season matapos matengga dahil sa novel coronavirus (COVID-19) pandemic.
Si Eala ay kasaluku-yang ranked No. 4 sa ITF Juniors World Rankings at papasok sa Roland Garros bilang second seed. Si-nimulan na ng 15-anyos na tennister ang kanyang career sa pro circuit kung saan nanalo ito ng isang tournament sa Tunisia.
Noong nakaraang season ay lumaro ang scholar sa Rafa Nadal Academy sa Spain na si Eala sa US Open ngunit nasibak sa second round.
- Latest