MANILA, Philippines — Hindi basta-basta ang Larry O’ Brien championship trophy na nakataya sa National Basketball Association (NBA) Finals.
Mas lalo itong naging sosyalin dahil may kasama na itong mamahaling travel case na gawa ng sikat at mamahaling brand na Louis Vuitton (LV).
Ipinasilip ng NBA ang naturang trophy travel case sa Instagram. “For the first time, this year’s #LarryOBrienTrophy will be presented to the winning team in a bespoke @LouisVuitton Travel Case. The French Maison is the first Official Trophy Case provider for the NBA, which marks a new chapter in a long history of crafting custom trunks for the world’s most coveted trophies. #LVxNBA,” ayon sa caption.
Ito ang bunga ng partnership ng NBA at Louis Vitton bago ang regular season game ng liga sa France noong Enero. At ang Louis Vitton ngayon ang kauna-unahang Trophy Travel Case Provider ng liga.
Hindi sinabi kung magkano ang halaga ng natu-rang travel case ngunit sa website ng LV, ang isang trunk travel case ay nagkakahalaga ng $44,000 o halos P2.1 million.
Kahapon ay naka-una ang LA Lakers sa kanilang best-of-seven Finals series kontra sa Miami Heat, 116-98 at sa Sabado (Biyernes ng gabi sa America) ang Game 2.