Pang-12th gold ni Delos Santos

James “OJ” delos Santos

MANILA, Philippines — Patuloy sa pamamayagpag ni world No. 2 Filipino karateka James “OJ” delos Santos matapos makopo ang kanyang pang-12th gold medal ngayong taon mula sa Venice Cup 2020 online tournament nitong Martes ng gabi.

Tinalo ng 30-gulang na si Delos Santos si Slovenian Nejc Sternisa, 25.2-23.7 para sa gold medal na magbibigay sa kanya ng karagdagang ranking points para makalapit sa hinahabol nitong si World No. 1 Eduardo Garcia ng Portugal.

“I’m not far from the No. 1 spot, just a little more and we’re almost there,” ani delos Santos.

Malaking tulong kay Delos Santos ang maagang pagkakasibak ni Garcia, na may  8,125 ranking points kumpara sa 7,105 ng Pinoy karateka bago ang torneo.

“I was actually expecting him (Garcia) in the finals but he lost,” sabi ni Delos Santos.

Nakarating sa finals si Delos Santos matapos igupo sina Canadian Scott Taylor, 23.9-21; Kevin Petry ng Luxembourg: 24.9-22.4; at  Matias Moreno Domont ng Switzerland na nag-withdrew dahil may sakit.

Inaasahang aabutin na ni Delos Santos si Garcia sa paglahok sa Okinawa World Series at 1st Euro Grand Prix E-Tournament sa susunod na buwan.

 

 

 

Show comments