MANILA, Philippines — Ilang sapatos ba ang kailangan ng isang player na lalaro sa PBA bubble?
Itanong n’yo kina Paul Lee, LA Tenorio, Kiefer Ravena, Jio Jalalon at iba pa.
Sa sobrang excitement, sandamakmak na sapatos ang planong dalhin ng ilang players na ipinakita nila sa social media.
Halos pitong buwang natengga ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pandemya kaya naman atat na ang mga players na isuot ang kanilang mga bagong sapatos.
Pinayagan kamakalawa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang liga para magdaos ng scrimmages at practice games bilang paghahanda sa planong pagbabalik ng PBA sa Oktubre 11. Mananatili sa Quest Hotel ang PBA delegation at sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga gaganapin ang lahat ng practice at mga laro.
Nag-post din si Beau Belga ng kanyang mga babauning gamit gayundin sina Jio Jalalon, Roger Pogoy at Troy Rosario para sa Clark bubble na tatagal ng dalawang buwan.