^

PM Sports

Paramihan ng baong sapatos ang mga players sa bubble

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang sapatos ba ang kailangan ng isang player na lalaro sa PBA bubble?

Itanong n’yo kina Paul Lee, LA Tenorio, Kiefer Ravena, Jio Jalalon at iba pa.

Sa sobrang excitement, sandamakmak na sapatos ang planong dalhin ng ilang players na ipinakita nila sa social media.

Halos pitong buwang natengga ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pandemya kaya naman atat na ang mga players na isuot ang kanilang mga bagong sapatos.

Pinayagan kamakalawa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang liga para magdaos ng scrimmages at practice games bilang pagha­handa sa planong pagbabalik ng PBA sa Oktubre 11. Mananatili sa Quest Hotel ang PBA de­legation at sa Angeles University Foundation Gym sa Clark, Pampanga gaganapin ang lahat ng practice at mga laro.

Nag-post din si Beau Belga ng kanyang mga babau­ning gamit gayundin sina Jio Jalalon, Roger Pogoy at Troy Rosario para sa Clark bubble na tatagal ng dalawang buwan.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with