MANILA, Philippines — Tila malinaw na ang landas na tatahakin ng pa-nganay na anak ni Nonito Donaire na si Jarel na makikita sa video na pinost ng The Filipino Flash sa Instagram kung saan tinuturuan ng kanyang lolo ang pitong-taong gulang na apo ng tamang pagsuntok.
“5th boxing lesson with Jarel and Opa. He has a talent that he can correct his body upon command. #proudpapa #favoriteeldestson #7yo #talent #strong #power,” caption four-division world champion.
Kapansin-pansin na kahit na sa murang edad ay makikitaan na ng potensyal si Jarel dahil sa tindig at porma nito at pagbitaw ng suntok sa dibdib ng kanyang lolo.
Kasalukuyang naghahanda para sa susunod niyang laban si Donaire kontra sa French fighter na si Nordine Oubaali sa Disyembre sa Dubai, United Arab Emirates. Huling tumungtong sa lona si Donaire noong Nobyembre, 2019 kung saan pinabagsak siya ng Japanese boxer Naoya Inoue para iuwi ang Mohammad Ali trophy.