MANILA, Philippines — Nagsimula sa bukid, bumalik pa rin sa pagbubukid ang 2021 Tokyo Olympiacs bound na si Irish Magno.
Habang restday sa pagte-training, tumulong si Magno sa bukid na ipinakita niya sa kanyang Facebook sa pagpo-post ng picture habang naggagapas ng palay kasama ang mga magulang sa kanilang probinsya sa Janiuay, Iloilo.
“Minsan kailangan mo rin bumalik kung saan ka nagsimula, with tatay and nanay. Extra lang muna habang restday sa training. Gapas ng palay,” caption ni Magno.
Enjoy naman ang two-time Southeast Asian (SEA) Games silver medalist sa kanyang pagbabalik-probinsya life.
Isa si Magno sa mga natagalang umuwi ng probinsiya at naipit sa Maynila kung saan namalagi siya sa PhilSports Complex sa Pasig City bago nakauwi sa Iloilo noong Hulyo.
Tuluy-tuloy ang pagsasanay ni Magno sa Janiuay sa tulong ng Local Goverment Unit (LGU) na lumikom ng pondo para magagamit sa kanyang training.
Si Magno ang kauna-unahang Filipina boxer na nag-qualify sa 2021 Tokyo Summer Games nang patumbahin niya si Sumaiya Qosimavo ng Tajikistan sa 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournament sa Amman Jordan.