Frankie Lim iniwan ang Perpetual dahil 3-buwan nang walang sahod
MANILA, Philippines — Tatlong buwan nang hindi nakakatanggap ng kanyang suweldo si four-time NCAA champion mentor Frankie Lim bilang head coach ng University of Perpetual Help Altas.
Kaysa maghintay sa wala ay mas minabuti ng 60-anyos na bench tactician na iwanan ang Altas at maghanap ng bakanteng coaching job sa ibang collegiate teams.
Natengga ang basketball program ng Perpetual Help dahil sa coronavirus disease 2019 (CO-VID-19) pandemic.
At dahil dito ay nahinto rin ang pagpapasuweldo sa mga coaches ng basketball, volleyball at iba ang sports events ng paaralan kasabay ng pagpapauwi sa mga student-athletes sa kanilang mga probinsya.
Sinimulang hawakan ang Altas noong 2018, iginiya ni Lim ang Perpetual Help team sa NCAA Final Four noong Season 94 bago nalugmok sa Season 95 sa itinalang 5-13 record.
Bago pamunuan ang Altas ay inihatid ni Lim ang San Beda Red Lions sa apat na NCAA championships.
- Latest