^

PM Sports

Motivated si Hidilyn Diaz

Russell Cadayona - Pang-masa
Motivated si Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Bagama’t iniurong ang Olympic Games sa susunod na taon ay motivated pa rin si national weightlifter Hidilyn Diaz.

Ang motivation ni Diaz ay ang pagbibigay sa Pilipinas ng kauna-unahang gold medal sa Olympics na muntik na niyang makuha noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.

“Nagte-training pa rin, nandoon pa rin ‘yung motivation,”sabi ng 29-anyos na 2016 Olympic silver medalist sa Sports Lockdown. “Noong una, siyempre sayang kasi ready na ako eh. Tini-tingnan ko na rin ngayon as an advantage para i-build ‘yung katawan ko, mas lalong maging malakas, mas lalong maging kumpiyansa sa pagbuhat.”

Dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay iniatras ang pagdaraos sa susunod na taon ng Olympics sa Tokyo, Japan at maraming Olympic qualifying tournaments ang naapektuhan, kasama ang paglahok ni Diaz.

Nasa No. 5 sa buong mundo sa women’s 55kg category, isang Olympic qualifying tournament na lamang ang kailangang lahukan ni Diaz para opisyal na maibulsa ang Tokyo Olympics ticket.

“Siguro may reasons si God. Kailangan looking forward pa rin to something, positvive pa rin kahit mahirap,” sabi ng tubong Zamboanga City.

Asam ni Diaz ang kanyang ikaapat na sunod na Olympics stint matapos noong 2008 sa Beijing, China, 2012 sa London at 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Qualified na sa Olympics sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

 

HIDILYN DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with