Curry nagpa-cornrows

Stephen Curry

MANILA, Philippines — Mula sa classic niyang kulot na buhok, bagong hairdo ang ibinida ni NBA superstar Stephen Curry, na ipinakita ng misis niyang si Ayesha Curry sa social media.

Sa pamamagitan ng Instagram story, shinare ni Ayesha ang bagong hairstyle ng two-time NBA MVP na si Curry na ine-enjoy pa ang kanyang bakasyon kasama ang pamilya.

Said ang likurang bahagi ng kanyang buhok habang nakatirintas naman ang buhok sa tuktok na tila kapareho kay NBA legend Allen Iverson.

Halatang bet na bet ni Ayesha ang bagong buhok ng asawa at tila lalo siyang na-in love kay Steph dahil sa dami ng heart eyes emoji na isinama niya sa caption nito.

Kabi-kabilang reaksyon naman mula sa mga fans ang naglutangan mula nang ibahagi nila sa lahat ang bagong hairstyle ng three-time NBA champion.

May nagsabi na mukha siyang isang Dominican rapper na galing sa Miami habang may nagkomento rin na para siyang sales representative ng isang mobile network.

Natengga si Steph sa bahay dahil hindi kasama sa NBA bubble ang Golden State na nabigong pumasok sa playoffs. Ngunit naghihintay na lang ang Warriors kasama ang walo pang teams na di kasama sa playoffs sa  Disney World campus, sa pagsisimula ng workouts. (

Show comments