Talagang mapang-akit si Kalei Mau
MANILA, Philippines — Marami na namang napa-wow kay F2 Logistics Cargo Movers opposite hitter Kalei Mau nang mag-post siya ng picture na tanging dahon lang ang takip ng kanyang dibdib.
Talagang nakapa-sexy at angat na angat ang morenang balat ng one-time Philippine Superliga (PSL) MVP sa pinakahuli niyang post sa Instagram.
“Use my code to get 100% off this Ti leaf top,” nakakatuwang caption ng Filipino-Hawaiin hitter sa sexy photo na ito.
Hindi nagpahuli sa pagkokomento ang kanyang boyfriend at San Miguel Beermen gunner Chris Ross na nag-iwan ng shifty eyes emoji.
Kasalukuyan ay nasa Hawaii ngayon ang dating national women’s volleyball pool member at talaga namang ine-enjoy niya ang kanyang bakasyon.
- Latest