MANILA, Philippines — Hindi lang mahusay na tenista si Tin Patrimonio dahil napaka-flexible din ng kanyang katawan.
Bukod sa mga karaniwang exercices, ang aerial yoga ang isa sa ginagawang pagpapakondisyon ni Patrimonio na kanyang ipinasilip sa kanyang Instagram.
Kayang-kaya ni Patrimonio na magbale-balentong at magbali-bali ng katawan sa pag-e-aerial yoga.
“Aerial Yoga. Namaste. I miss practicing this! My back felt so good after. #aerialyoga #yoga #yogapractice #namaste,” caption ni Patrimonio sa post.
Kamakailan lang ay nakita sa telebisyon si Pa-trimonio matapos maki-bahagi sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga bilang isa sa mga pinagpilian.