Jalalon nai-celebrate pa ang 1st wedding anniversary

MANILA, Philippines — Simple tanghalian sa kanilang bahay ang selebrasyon ng unang wedding anniversary nina Jio Jalalon at ng kanyang misis na Kristina Apan-Jalalon kahit pa may COVID-19 pandemic.

Imbes na sa magarang restaurant kumain, magandang table setting na pang-restaurant ang kanilang anniversary date, kasama ang kanilang baby.

“Happy 1st Wedding Anniversary Mahal Ko. Thank you for being the best mom to our kids. Sana hindi ka mag-sawa alagaan kami, iloveyouforever mahal ko,” ang simpleng mensahe ni Jalalon sa asawa sa kanyang Instagram post.

Naki-celebrate rin ang mga kapwa player ni Jalalon sa PBA sa pagbati sa kanilang mag-asawa gaya nina Terrence Romeo, Calvin Abueva, Vic Manuel at Ranidel de Ocampo.

Agosto 2 ng taong 2019 nang magpasyang magpakasal ang dalawa matapos ang anim na taon ng pagiging magkasinta-han.

 

Show comments