MANILA, Philippines — Kumiliti sa isip ng marami ang post ng tennis player na si Tin Patrimonio, anak ng PBA legend na si Alvin na may hawak na flower bouquet.
Mas nakakaintriga ito dahil ang caption niya sa kanyang Instagram post ay “Thank You for making me smile when I was having a bad day...whoever you are! Hahaha.”
Madalas ang post ni Patrimonio ng kanyang mga sexy photos sa Instagram nitong mga huli at may isang @lendlleyba ang nag-comment ng: “I don’t understand why someone would break up with an angel.”
Very private ang love life ni Patrimonio dahil wala naman itong napabalitang boyfriend ngunit maaaring ang litratong ito ay senyales ng pagmo-move-on ng dalaga ng “The Captain”.