Gretchen Ho balik-training
MANILA, Philippines — Balik-training si dating Ateneo de Manila University Lady Eagles middle blocker Gretchen Ho matapos matengga ng ilang buwan dahil sa quarantine.
Bagama’t madalas na mag-bisikleta ang TV personality na volleybelle, wala pa siyang pino-post na full-body workout sa kanyang Instagram account.
“Got back in training. Slowly getting back in shape. Healthy body. Healthy mind. Healthy spirit. No pandemic can defeat me. Leggo #wo-maninaction,” sabi ni Ho.
Si Gretchen Ho ay isa sa host ng dating Umagang Kay Ganda morning show. Na-ging karelasyon niya ang aktor na si Robi Domingo at nitong huli ay na-link kay Pasig City Mayor Vico Sotto nang makita silang magkasamang nanood ng volleyball game noong SEA Games.
- Latest