Didal nag-design ng skateboard
MANILA, Philippines — Nagdesenyo ng sariling skateboard si Margielyn Didal habang naghihintay pang magbalik ang mga natitirang qualifying tournament para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.
Kulay blue ang skateboard na may nakalarawang Taxi at may plakang MD852 na sumisimbolo sa pangalan ng skateboarding star.
Nakatulong ni Didal sa pagdidi-senyo ng skateboard si Jay FC at ang 8Five2 Shop sa Hong Kong bilang bahagi ng HK Taxi Series pro model skateboards.
“Finally! Been working on this (with Jay FC) for a very long time. The production got delayed and are finally here. Super stoked on this. Thank you for the love,” ani Didal sa sariling skateboard na available na sa 8Five2 Shop.
Noong Abril, gumawa rin si Didal, nanalo ng gintong medalyang sa 30th SEA Games noong nakaraang Disyembre, ng kanyang signature skate shoes sa ilalim ng sports sneaker brand na New Balance na ang colorway ay pula, asul at dilaw bilang symbol ng bandila ng Pilipinas
Kasalukuyang no. 14 si Didal sa women’s street world rankings at llamadong makapasok sa 2021 Tokyo Olympics kapag naituloy na ang mga natitirang Olympic qualifiers.
Nag-design din ng skateboard ang isa pang Pinoy skateboarder na si Jeff Gonzales.
- Latest