ABL kanselado na
MANILA, Philippines — Inihayag ng ASEAN Basketball League (ABL) na kanselado na ang kanilang 10th season dahil sa novel coronavirus (COVID-19) pandemic sa isang statement nitong Miyerkules dahil wala silang nakikitang safe na paraan para tapusin ang liga.
Dahil dito, naunsiyami ang hangaring mabawi ang ABL title ng Philippine squad na Alab Pilipinas na nasa ikalawang puwesto pa naman ng standings.
Kaugnay nito, sinabi ng ABL na ipagpapatuloy nila ang operations para sa susunod na taon matapos mapabalitang nagsara diumano ang liga.
“We will now turn our efforts into planning for the next ASEAN Basketball League season in 2021 and hope to make announcements on the 11th ABL Season after completing consultations among the teams,” ang nakasaad sa statement ng ABL.
Nahinto ang ABL nang lumaganap ang covid pandemic noong March.
- Latest