Sisi Rondina mataas ang talon dahil sa larong Chinese garter
MANILA, Philippines — Kilala ang UST volleyball star na si Sisi Rondina sa kanyang matataas na lundag kapag pumapalo ng bola na marahil ay dahil sa kanyang husay sa larong kalye na Chinese garter.
Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita na minamani lang ng 2019 SEA Games beach volleyball bronze medalist ang larong Chinese garter.
Maning-mani kay Cherry bomb na talunin ang limang sunud-sunod na nakahilerang garter na lagpas baywang sa may dalampasigan.
“How I can Sisi fly?” caption ng ABS-CBN Sports sa naturang video na kanilang shinare sa Ins-tagram.
Napa-wow ang fans sa pagpapasikat ni Rondina at nag-iwan pa ng pabirong comment si @maudemonica na: “Palagi sigurong mother ‘to si Sisi. Salba lahat ng kakampi sa 10-20.”
- Latest