Arwind Santos naka-perfect score sa Bawal Judgmental
MANILA, Philippines — Isang panibagong kasaysayan na naman ang itinala ni San Miguel Beermen small forward Arwind Santos pero hindi sa hardcourt ng PBA.
Naglaro sa ‘Bawal Judgmental’ segment ng Eat Bulaga noong Sabado ang two-time PBA Best Player of the Conference kung saan naka-perfect score ito.
Ang ‘Bawal Judgmental’ ay isang guessing game kung saan ihaharap sa magsisilbing judge ang mga choices at doon niya pipiliin ang tamang sagot.
Mga stand-up comedians ang naging choices niya at sa tatlong tanong na ibinato na sinimulan ng (1) nagkaroon ng awards, (2) may dating karelasyon na foreigner at (3) mga nakapagtapos ng kolehiyo, lahat ‘yun ay nahulaan niya.
Ayon sa mga host, si Santos ang kauna-unahang game player na naka-sweep sa larong ito at nakapag-uwi ng P50k kalahati ang kanyang home partner.
“Salamat po sa lahat ng nanood ng Bawal Judgmental. It was a fun experience. Yey! Another history made,” sabi ng dating PBA MVP sa kanyang Instagram post.
- Latest