Dinwiddie, Jordan positibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Dalawa pa ang nalagas sa Brooklyn Nets matapos magpositibo sa COVID-19 sina guard Spencer Dinwiddie at center DeAndre Jordan nitong Lunes.
‘Di pa sigurado kung makakasama si Dinwiddie sa NBA season restart sa Orlando, Florida ayon kay Sham Charania ng sports website na The Athletics habang nag-Tweet na si Jordan na out na siya sa 22-team NBA reboot na gagawin sa Disney Resort.
“Found out last night and confirmed again today that I’ve tested positive for covid while being back in the market. As a result of this, I will not be in Orlando for the resumption of the season,” ang post ni Jordan sa Twitter gamit ang handle na @DeAndre
Nauna nang nagsabi si forward Wilson Chandler na hindi siya sasama sa Disney kaya maaapektuhan ang kampanya ng Nets patungong playoffs.
Sinabi ni Dinwiddie kay Charania na lubos ang kanyang pag-iingat sa sarili at iniingatan din niya na mahawa ang iba sa COVID-19 sa mahigpit na pagsunod sa mga protocols ng pagku-quarantine.
Si Dinwiddie na pumuno sa pagkawala ng injured na si Kyrie Irving at Caris Levert, ay may average na 20.6 points at 6.8 assists sa 31.2 minutes per game habang si Jordan na nangangasiwa sa depensa ay may average na 8.3 points at 10 rebounds sa 22 minutes per game.
Halos sigurado na sana ang Nets ng playoff slot sa Eastern Conference dahil hawak nila ang No. 7 spot sa 30-34 record patungo sa huling tig-walong laro at lamang sila ng anim na games sa ninth placer na Washington Wizards.