Nag-birthday si Mika Reyes
MANILA, Philippines — Simpleng selebrasyon para sa kanyang ika-26th kaarawan ang ginawa ni Sta. Lucia Lady Realtors middle blocker Mika Reyes sa gitna ng GCQ noong Linggo.
Nagpasalamat ang 6-foot tall na player sa lahat ng nakaalala at bumati sa kanyang birthday, na kasabay ng Father’s Day ngayong taon.
“Thank you everyone for remembering my birthday,” ang simple pero taos-pusong caption ng Philippine women’s volleyball national team member sa kanyang Instagram.
Bumuhos din ang pagbati ng ilang volleyball superstars sa kanya gaya nina Michele Gu-mabao, Maika Ortiz, Melissa Gohing, Jem Ferrer at ang dati niyang deputy coach sa La Salle na si Noel Orcullo.
Naki-celebrate at nag-iwan din ng birthday greetings ang kanyang fans at sa ngayon ay may lagpas 29k likes at halos 1k comments na ito.
- Latest