MANILA, Philippines — Dahil bawal pa ang contact sports sa Pinas tulad ng boxing bunga ng umiiral na problema sa Covid-19, sa Amerika muna ang punta ng mga boxers para lumaban.
Matapos ang impresibong tagum-pay ni Mike Plania, tatlo pang Pinoy ang nakatakdang lumaban sa susunod na buwan sa Amerika kung saan mas maluwag na ang mga patakaran.
Sinorpresa ni Plania ang lahat nang kanyang pabagsakin ang American top ranking bantamweight contender na si Joshua Greer sa 10 round majority decision victory kung saan na-knockdown niya ito sa first at sixth rounds.
Nais itong masundan ng sumisikat na si undefeated California-based FilAm featherweight John Leo Dato na lumaban sa undercard ng Manny Pacquiao vs Keith Thurman pay per view main event noong July ng nakaraang taon sa MGM Grand sa Las Vegas, pati nina Reymart Gaballo at John Vincent Moralde.
Pinabagsak ni Dato, ipinanganak sa La Union, si Mexican Juan Antonio Lopez sa loob ng limang rounds lamang na hina-ngaan ng marami. Nagtala ito ng 14-sunod na panalo, 9 sa pamamagitan ng knockout at isang draw sapul nang ma-ging pro noong December 2016.
Haharapin niya si Angel Luna ng Dominican Republic sa main event ng boxing card na gagawin sa Chumash Casino Resort sa Sta Ynez, California sa July 10.
Si Gaballo, tubong Polomolok, South Cotabato at dating interim World Boxing Association bantamweight champion ay haharap naman kay Hungarian Szelvester Aijtai sa 10-round bouts sa July 17 sa Miami, Florida kung saan lalaban din si Moralde sa isa pang Hungarian na si David Berna.
Si Noralde na kilalang Mulawin, ay nagtala ng first round knockout kontra kay Matias Arriagada sa US noong December matapos ang sunud-sunod na talo kina Toka Khan Clary, Xavier Martinez at ang WBO super featherweight champion na ngayong si Jamel Herring.