MANILA, Philippines — Palaban ang Gilas Pilipinas stalwart na si Gabe Norwood na manalo sa International Basketball Federation (FIBA) Dunk of the Decade.
Kalaban ni Norwood ang pride ng Iran na si Arsalan Kazemi sa apat na araw na botohan para sa Asian title at karapatang umusad sa semifinals ng full-bracket kontra sa mga winners ng FIBA Americas, Europe at Africa.
Nakalusot sa third round ng FIBA online poll si Norwood nang makuha niya ang 77 percent ng mga boto kontra sa kalaban nito na si Yin Jianlian ng China sa second round.
First round pa lang ay umariba na ang 2019 SEA Games gold medalist nang lampasuhin niya ang pambato ng Australia na si Mitch Creek matapos makuha ang 84 percent ng total votes.
Ilalaban uli ni Norwood ang kanyang iconic poster dunk kontra kay Argentinian superstar Luis Scola noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Itataya naman ng 6-foot-7 power forward ng Iranian national team ang one-hand dunk niya kay Ioannis Bourousis noong 2016 Olympic Qualifying Tournament.
Para sa tagumpay ni Norwood, kailangan niya ng maraming boto kaya bisitahin ang official Instagram page ng FIBA para sa direct link ng poll na ito.