MANILA, Philippines — Pina-tattoo ni Vanessa Bryant ang mensahe ng kanyang pumanaw na asawa’t anak na si Kobe at Gigi Bryant bilang alaala.
Sa video na ni-repost ni Nikko Hurtado, ang nagtattoo kay Vanessa, proud siya na sa kanya ipinagawa ng asawa ni Kobe ang tribute tattoo.
Makikita sa video na sa kanang bahagi ng leeg ni Vanessa patungong balikat inilapat ang mensahe ni Kobe sa kanya at may caption na: “I wanted my boo boo’s @kobebryant sweet message transferred on me. @nikkohurtado came through for me. Thank you.”
Sa may kanyang kanang pulsuhan naman niya piniling ipa-tattoo ang sweet message ng kanyang anak na si Gigi. “Shotout to @nikkohurtado for coming over and helping me get Gigi’s sweet message transferred on me,” caption ni Bryant.
Noong Enero, sina-wing-palad ang mag-amang Bryant nang bumagsak ang chopper na kanilang sinasakyan sa California.