MANILA, Philippines — Buhay-promdi ang ibinida ngayon ni F2 Cargo Logistics main playma-ker Kim Fajardo nang i-post niya ang pagpapakain sa kanilang mga alagang kambing.
Matapos ma-lock-down ng matagal, naka-uwi rin sa wakas ng probinsiya si Fajardo.
All smiles pa si Fajardo kahit med-yo hirap sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga kambing nang pagkaguluhan siya ng mga ito.
“Buhay-Probinsiya,” ang caption ng dating Philippine national women’s volleyball team setter sa Instagram post niyang ito.
Tila na-miss ng ilang netizens at pinusuan nila ang pinagkakaabalahan ni Fajardo ngayong GCQ. Sa ngayon ay may 3,252 likes na ito, as of writing.