Astig ang motor ni Gonzaga
MANILA, Philippines — Pinasilip ni Philippine national women’s volleyball team opposite hitter Jovelyn Gonzaga ang isang BMW R1250 big bike pero paglilinaw niya hindi ito sa kanya.
Sa series of photos na shinare ng Ilongga hitter sa kanyang Instagram, makikita na nagpaka-model siya ng konti bago niya ito tuluyang sakyan.
“Pagbigyan,” ‘yan ang maiksing caption ni Gonzaga sa mga larawan na nagpahanga sa mga netizens sabay biro na makikiangkas sila rito.
Sa ngayon ay umabot sa 10,353 likes ang post na ito at may 100 comments na rin ito, as of writing.
- Latest