^

PM Sports

May problema ang Toronto sa pagdedepensa ng NBA title

Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang problema ng Toronto Raptors sa pagdedepensa ng NBA championship sa Disney complex lock-in para tapusin ang naudlot na season.

Pangunahing problema ng tanging Cana-dian team sa NBA, ang U.S. Boarder.

Paano papasok ang ilang players na nasa Amerika ngayong sarado ang U.S. Boarders?

Sinabi ni Raptors coach Nick Nurse na marami pa silang inaayos para makapag-workout bago pumunta sa Disney World sa Orlando, Florida kasama ang iba pang 21 teams sa July 7 sa pagre-restart ng season.

“We haven’t really made a final decision on it on a date to reconvene, or where we’re going, or any of that kind of stuff yet,’’ sabi ni Nurse sa Toronto media. “We’ve made plans on both sides of the border, just for doing it as safe as possible. It’s kind of our first and foremost priority then maybe as quickly as possible, too.’’

Malaking issue rin sa Raptors ang kasalukuyang Canadian government regulations na 14-day qua-rantine para sa mga papasok ng Canada dahil ang ilan sa kanilang players ay nasa U.S. at ang iba ay nasa ibang bansa.

Ang papuntang U.S. ay wala silang magiging problema dahil excempted ang mga professional athletes sa mga regulas-yon laban sa COVID-19.

TORONTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with