Nagpakabusog ang long hair na si June Mar

June Mar

MANILA, Philippines — Katakam-takam na grilled tuna panga at chicken thighs na inihain ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo sa kanyang fans sa Instagram.

Enjoy na enjoy si The Kraken sa mga inihaw na ulam na habang pinasilip ang kanyang long hair sa gitna ng General Community Quarantine (GCQ).

“Daghan kaayong salamat sa pagkaon dong @xmb_gamalinda @blackbambasgrill. Lami kaayo busog kaayo mi dong! Guys order na mo lami kaayo. Sinuglaw nasad ugma dong,” caption ni Fajardo. [“Maraming salamat sa pagkain, dong @xmb_gamalinda @blackbambasgrill. Masarap at nabusog kami. Guys order na kayo masarap talaga.]

Ang blackbambasgrill ay negosyo ng dating player na si Riego “Bam-bam” Gamalinda at ng asawa nitong si Melanie. Kaya naman marami silang parokyanong mga players.

May 8,900 likes na ang nasabing post habang may 85 comments na ito, as of writing.

Show comments