MANILA, Philippines — Labis ang pasasalamat ni Ben Mbala sa Pilipinas dahil sa paghubog sa narating niya ngayon bilang international pro player sa France.
“Playing there for years, the atmosphere, and the support, you guys made me who I am,” ani Mbala sa The Prospects Pod ng Tiebreaker Vods-na inorganisa ng Smart. “I wouldn’t be who I am without you.”
Mula sa pagiging bata na may mataas na pa-ngarap lang sa Cameroon, nagtungo rito sa Pinas si Mbala at unang nakikilala sa Southwestern University na nadala niya sa kampeo-nato ng CESAFI at Final Four finish ng PCCL.
‘Di naglaon ay dinala ng high-flyer ang 24-anyos na si Mbala ang kanyang talent sa Manila upang maglaro sa DLSU Green Archers na nadala niya sa kampeonato ng UAAP Season 79.
Siya rin ang itinanghal na MVP noon gayundin sa Season 80 bago magdesisyong maging pro-cager sa Mexico, Korea at ngayon ay sa France.
“I might come but the COVID-19 situation is unfortunate. For sure, I’m coming. Someday, I might play in the PBA (against former La Salle teammates),” dagdag ni Mbala na muntikan na ring maglaro para sa Magnolia noong 2018 PBA Governors’ Cup.