Pa-motor-motor lang si Canaleta at iba pa
MANILA, Philippines — Kanya-kanyang pa-raan ang mga PBA players para masulit ang kanilang libreng oras ngayon kasabay ng wala pang katiyakan na pagbabalik ng liga.
Isa si Blackwater Elite small forward KG Canaleta sa sumusulit sa free-time nang mag-stroll ito gamit ang motorsiklo kasama ang ilang miyembro ng PBA Moto Club.
Sa Instagram post ng five-time PBA Slam Dunk champion, in-enjoy nang husto ng grupo ang pag-lalakbay sa kalsada kahit na tirik na tirik ang araw.
“PBA MotoClub Amazing Ride... @pba-motoclub,” maiksing caption ng tubong Tarlac na player.
Nakasama niya sa joyride na ito sina Mark Caguioa, Rico Maierhofer, Jayjay Helterbrand, Sol Mercado, Joe Devance at Lamont Waters.
- Latest