Pingris matiyaga sa pagpe-painting
MANILA, Philippines — Lumabas ang artistic side ni Magnolia Hotshots power forward Marc Pingris nang ipasilip nito ang kanyang art skills.
Dahil sa tagal ng quarantine ay gumawa ang paraan ang dating Gilas Pilipinas stalwart para masulit ang libre niyang oras.
Isang simpleng mukha ng tila magkasintahan ang iginuhit ni Pingris at mas lalo pang umangat ang ganda nito nang malapatan ng iba’t ibang kulay.
“Dahil sa quarantine, mas natuto tayong maging matiyaga and to appreciate ang maliliit na bagay sa buhay. Parang painting lang. Kailangan natin ng tiyaga, sa una magulo pero unti-unti din lalabas ang ganda nito!,” sabi ni Pingris.
Approve na approve sa netizens ang hobby ng nine-time PBA champions at may 8,300 likes na ito at 104 comments.
- Latest