Okay kay Rep. Bautista ang pagkansela ng MPBL 2020-21 season
MANILA, Philippines — Para kay Rep. Claudine Diana Bautista, team owner ng Davao Occidental Tigers, mas importante ang kalusugan ng kanyang buong team.
Okay lang sa kanya na nawala ang tsansa sa division at national titles sa nahintong Chooks-to-Go MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Lakan Season finals dahil walang nalagay sa alanganin ang buhay dulot ng COVID-19 pandemic.
“The safety and health of our players, the team, their families are our priority,” sabi ni Bautista ng Dumper PTDA party-list. “The championship trophy is not worth the lives (of people).”
Kaya sang-ayon si Bautista, anak ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista, sa desisyon ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes katuwang si Sen. Manny Pacquiao, MPBL Founder at CEO, na kanselahin ang 2020-2021 season na magsisimula sana sa June 12.
Ang division finals sa pagitan ng Tigers at Basilan Steel sa South at San Juan Knights laban sa Makati Super Crunch sa North ay parehong tabla sa 1-1 nang mag-lockdown.
- Latest