MANILA, Philippines — It’s official! Ikinasal na si Columbian Dyip small forward CJ Perez sa kanyang girlfriend ng dalawang taon na si Sien-na Catacutan.
Isang simpleng civil wedding ang idinaos ng dalawa noong Miyerkules, Hunyo 3 sa Rizal, Nueva Ecija at sinaksihan ito ng kani-kanilang pamilya.
Sa Instagram ni Pe-rez, proud na ipinakita ng dalawa ang kanilang wedding ring kasabay ng pagpapasilip sa publiko ng baby bump ni Catacutan para sa kanilang second baby.
“My wife met me when all I had to offer was a potential. When someone bets their life on you, make sure they win,” maiksing caption ni Perez.
May one-year old na anak na babae ang 2019 PBA Rookie of the Year at ang Filipina-Australian bago tuluyang selyuhan ang kanilang relasyon.
Bumuhos ang pagbati sa dalawa mula sa ibang players ng liga.