May artistic side si Michelle Cobb

Michelle Cobb

MANILA, Philippines — Imbes na ma-bored sa gitna ng community quarantine ay ginawang makabuluhan ni La Salle main setter Michelle Cobb ang kanyang libreng oras.

Ipinamalas ni Cobb ang kanyang artistic side nang i-share niya sa Instagram ang isang simple ngunit eleganteng painting ng isang halaman na nasa isang paso.

“Ms. Monstera” ang simpleng caption ni Cobb sa kanyang water colour based na painting.

Approve naman sa netizens at fans ang painting ng   5-foot-4 setter at sa ngayon ay nakakuha na ito ng 2,278 likes.

Show comments