Puro itim ang IG post ng mga players

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagkalampag sa social media ng mga local at international ballers para ipahatid ang kanilang boses tungkol sa racial discrimination, inequality at police brutality sa America ngayon.

Nakiisa ang mga players sa isa namang online at silent protest sa Instagram na tinawag ng karamihan na #BlackOutTuesday.

Itim na picture at wala nang ibang imahe o minsan ay may caption  ang makikita sa mga post ng atleta sa kanilang pages-- simple man, ay dinig na dinig pa rin sa mga larawan na ito ang nais nilang ipahatid.

Sina three-time NBA champion Stephen Curry; retired NBA legend Dwayne Wade; Houston Rockets point guard Russel Westbrook; Utah Jazz shooting guard Jordan Clarkson; at four-time NBA MVP LeBron James ang ilan sa mga nanguna sa protestang ito.

Sa local scene naman, halos mga players na may African-American lineage ang bumandera gaya nina Gabe Norwood, Chris Ross, at KG Canaleta at Mo Tautuua, pero todo suporta rin sina Jarred Dilinger, Kevin Alas, Kiefer Ravena at Jimmy Alapag.

Maging ang ilang collegiate players ay tumugon din sa panawagan sa pangunguna ni University of the Philippines stalwart Juan Gomez de Liano; magkapatid na Shaun at Dave Ildefonso  at si three-time UAAP MVP Thirdy Ravena.

Nag-ugat ang online protest nang brutal na pinatay ng isang Amerikanong pulis ang Black American na si George Floyd sa Minnesota sa U.S. noong nakaraang linggo.

 

Show comments