Fil-Am players nagkaisa sa pagsuporta sa US protesters

MANILA, Philippines — Nagsama-sama ang ilang Filipino-American PBA players at nagsagawa ng online protest bilang pagkondena sa brutal na pagkakapatay ng Minneapolis police kay George Floyd sa America kamakailan.

May 12 players na may Black American blood ang sabay-sabay na nag-live sa Instagram para iparanig ang kanilang boses sa hindi matapos-tapos na racial discrimination at police brutality sa America.

Sa harap ng kanilang tagahanga, buong-puso ang naging suporta ng players sa pagkondena sa karahasan sa bansang parte ng kanilang DNA.

Makikita sa mga Instagram post ng mga Fil-Am player na sina Gabe Norwood, Kelly Williams, CJ Perez, Mo Tautuaa, Chris Newsome, KG Canaleta, Kelly Nabong, Joe De Vance, Ray Parks, Jr., Chris Ross, Harvey Carey II, at Trevis Jackson ang kanilang mga picture habang may hawak na placard na may katagang “Could’ve been me” na may hashtag na “#JusticeForGeorgeFloyd”.

Tumagal ng halos walong minuto na nakaluhod at tahimik na nakaharap sa camera ang mga players at ilang fans ang humanga sa kanila.

Marami na ring NBA teams, officials at players ang nakiisa sa pagpoprotesta sa social media.

Show comments