MINNEAPOLIS — Inihayag kahapon ni Minnesota Timberwolves star center Karl-Anthony Towns na magdo-donate siya ng $100,000 (halos P5 milyon) sa Mayo Clinic para sa testing ng COVID-19 virus.
Sinabi ng Minnesota-based medical system na inaasahan nilang makakatulong ang donasyon ni Towns sa pagdaragdag ng capacity para sa COVID-19 mula sa 200 tests per day hanggang sa 1,000 per day sa mga susunod na linggo.
Kamakalawa ay nangako rin si Utah Jazz center Rudy Gobert, ang unang NBA player na nagpositibo sa COVID-19, ng $500,000.
Ang $200,000 ay ibibigay niya sa mga part-time employees sa arena ng Jazz.
Ilalaan naman niya ang tig-$100,000 sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic sa Oklahoma City.
Bago ang laro ng Jazz at Thunder sa Oklahoma City ay inihayag ang pagpositibo ni Gobert sa nasabing virus.
Ang 100,000 Euros ($111,450) ay ibibigay ni Gobert sa relief efforts sa France para sa mga health care workers at caregivers.
Maraming NBA at NHL teams ang tutulong sa kanilang mga arena employees.