Sundin ang panawagan

Kasama sa sakripisyo ng PBA ball clubs ang pa­tuloy na i-honor ang monthly payroll na more or less P3.5 million para sa mga manlalaro kahit na wala silang TV exposures at media mileage sa pa­na­hon ng pamamahinga ng liga dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Haharapin naman ng mga manlalaro ang delay sa won-game bonuses at iba pang insentibo dahil nga sila muna ay namamahinga upang makatulong na maihinto ang pagkalat ng virus.

Black season ito lalo na sa mga empleyado ng PBA Commissioner’s Office.

Tanggal ang kanilang game-day allowances, at na­haharap pa na mabawasan ang kanilang araw-araw na pagpasok sa opisina dahil wala na rin naman talagang daily operations.

At hindi nakikita ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mabilis na pagbabalik ng laro ng PBA kahit pa matapos sa loob lamang ng isang buwan ang Metro Manila quarantine na ipinatawag ng gob­yerno.

“Kahit mawala ang COVID-19 sa loob lamang ng isang buwan, hindi naman puwedeng balik laro na kaagad ang PBA.

Siyempre, kailangan munang magbalik-ensayo ang mga players bago magbalik- laro,” ani Pareng Kume.

Malamang na ganito rin ang kalagayan sa iba’t-ibang liga hindi lamang sa Pilipinas, kaya’t lubhang nakakalungkot ang sitwasyon.

Walang kasiguruhan kung kailan tatakbo uli ang mga ligang ito, in as much wala ring kasiguruhan kung kailan aalisin ng gobyerno ang restrictions na tunay na kailangan sa panahon na ito na hiniharap natin ang mapaminsalang heath disease.

Kaagad nagpanukala ng sariling restrictions ang ating mga tinitingalang sports institutions sa git­na ng health crisis.

Nawa’y maging magandang halimbawa ito sa bawat isa, at tugunin natin ang panawagan ng gob­yerno na para naman sa buhay, pamumuhay at ka­bu­hayan ng mga tao.

Show comments