Aranas nadiskaril sa ikalawang korona

MANILA, Philippines — Bigong maibulsa ni Zo­ren James Aranas ang kan­yang ikalawang sunod na titulo sa taong ito.

Lumasap ang Pinoy cue master ng 5-9 kabigu­an kay Chang Jung-Lin ng Chinese-Taipei sa fi­nals para magkasya sa run­ner-up honors sa 2020 Diamond Las Vegas 10-Ball Open sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Nasikwat ni Chang ang $17,000 at hindi naman uuwing luhaan si Ara­­nas na may $10,000 kon­solasyon.

Magandang resbak ito para kay Chang matapos umani ng 4-7 kabiguan kay Aranas sa semifinals ng winner’s bracket.

Nahulog sa losers’ co­lumn si Chang kung sa­an tinalo niya si Justin Bergman sa do-or-die semis game para maisaayos ang pakikipagtipan kay Aranas sa finals.

Sunod na masisilayan sa aksyon si Aranas sa darating na 2020 Predator World 10-Ball Cham­pionship na idaraos sa pa­rehong venue.

Dahil sa kanyang runner-up finish sa Las Vegas 10-Ball Open ay awtomatikong nakasiguro si Aranas ng puwesto sa World 10-Ball tilt.

Kasama ni Aranas sa nasabing pagsabak sa world meet sina dating world champion Carlo Bia­do, Johann Chua, Jeffrey Ig­nacio, Jeffrey De Luna, Dennis Orcollo at Fran­cis­co “Django” Bus­tamante.

 

Show comments