^

PM Sports

UAAP: UST, Adamson co-champions

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng deklarasyon ng kanselasyon ng UAAP Season 82’s high school events dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic, hindi na idaraos ang winner-take-all Girls’ Basketball game ng Adamson University at University of Santo Tomas at idineklara ang Baby Lady Falcons at Junior Growling Tigresses bilang co-champions ng demonstration sport.

Tabla ang championship series sa one-all bago ginawa ang cancellation.

Nakuha ng UST ang Game One, 73-68 bago ipuwersa ng Adamson ang winner-take-all matapos ang 79-74 win sa Game Two.

Lalaruin sana ang Game Three noong March 6 sa Filoil Flying V Centre.

Kabilang sa koponan ng Adamson sina Crisnalyn Padilla, Joan Camagong, Charlene Carcallas, Kat Agojo, Mia Miguel, Abegail Amdad, Trina Roy, Nina Pohen, Janice Brutas, Erica Reyes, Kristel Villarba at Beatrice Bautista sa ilalim nj head coach is Ewon Arayi.

Ang UST naman sa ilalim ni Ford Grajales, ay binubuo ng mga kambal na sina Erika at Nicole Dagangan, magkapatid na Brigette at Claudine Santos, Rachel Lacayanga, Mickaela Sison, Chille Serrano, Jane Araza, Gabrielle Rivera, Jazly Estudillo, Fran­cesca Eroles at Nicole Tubog.

Tumapos ang De La Salle-Zobel sa third place sac2-4) kasunod ang Ateneo High School (0-6).

Dahil isinailalim na Ang National Capital Region placed sa Public Health Emergency dahil sa novel coronavirus (COVID-19) pandemic, kinansela ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang kasalukuyang format ng Collegiate tournaments dahil sa ipinatutupad na social distan­cing mula  March 15 hanggang April 14, kung saan ipinagbabawal ang mass gatherings tulad ng “sporting events at iba pang entertainment activities”.

Ang mga klase sa lahat ng level ay  suspended hanggang April 14.

Ang collegiate tournaments ay magpapatuloy lamang sa oras na ideklara ng gobyerno na maaari nang mag-resume ang mga klase sa April 15.

Kung pahihintulutan na, gagawa ang liga ng alternative formats ng competition, na maaaaring magsimula sa May 1. 

Ang mga events na kinansela ay ang women’s at men’s volleyball tournaments at ang men’s football tournament.

Kasalukuyang nangunguna ang National University sa women’s volleyball standings sa hawak na 2-0 slate kasunod ang De La Salle University (1-0 record), University of Santo Tomas, Ateneo de Manila University, Far Eastern University at University of the Philippines na magkakatabla sa  1-1. Adamson is 0-1 at ang  University of the East sa 0-2.

Sa men’s side, nangunguna ang NU sa 2-0 kasunod ang UP, Ateneo at  UE na tabla sa 1-1 habang ang La Salle at Adamson na may  0-1 at ang UST ay 0-2.

Sa men’s side, ang NU at FEU ay nangunguna sa 2-0 records kasunod ang UP Ateneo at UE na tabla aa1-1. Ang  La Salle anat Adamson aay perehonh 0-1 habang ang UST ay 0-2.

 Sa Men’s Football, ang Ateneo, FEU, La Salle at UP ay nangunguna sa kanilang tig-4 points.  Ang UE at UST hold ay tig-three points habang ang Adamson at NU ay bokya pa.

Hindi pa nasisimulan ang women’s football tournament, baseball, softball, athletics, lawn tennis, at 3x3 basketball.

UAAP SEASON 82

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with