3 Pinoy cue artists na-sweep ang Scotty Townsend tourney

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng mga Pinoy cue masters ang pag­walis sa tatlong titulo sa 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament nang pagharian ni Zoren James Aranas ang 9-Ball Open Division na gina­nap sa West Monroe sa Los An­ge­les, California.

Nakapasok si Aranas sa finals nang walisin ni­­ya ang pitong laro sa eli­minasyon dahilan pa­ra mabiyayaan siya ng ‘twice-to-beat’ card sa championship round.

Lumasap ng 8-9 kabiguan si Aranas laban kay Josh Roberts ng Amerika sa Game 1 ng finals para maipuwersa ang rubber match.

Ngunit niresbakan ni Ara­nas si Roberts, 7-3, pa­­ra angkinin ang korona.

Napasakamay ni Aranas ang $4,000, habang nag­­kasya si Roberts sa $1,900 konsolasyon.

Kabilang sa mga ti­nalo ni Aranas ay sina Gabriel Alexander sa first round (9-5), David Walker sa second round (9-4), Naoyuki Oi sa third round (9-5), Justin Hall sa fourth round (7-0), Ro­berto Gomez sa fifth round (9-6), Tony Chohan sa quarterfinals (9-5) at Shane McMinn sa se­mifinals (9-6).

Ito ang unang koro­na ni Aranas para sa taong 2020 ma­tapos puma­ngat­lo ng tatlong beses sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Division sa Elizabeth, In­diana; Turning Stone Classic sa New York; at Cajun Coast 9-Ball Open sa Louisiana.

Nauna nang naghari sa 2020 Scotty Townsend Memorial Tournament si­na dating world champion Dennis Orcollo (10-Ball event) at legendary cue master Francisco “Django” Bustamante (One Pocket event).

 

Show comments