CLEVELAND – May pabuya ang magandang pamamahala ni coach J.B. Bickerstaff sa Cavaliers.
Binigyan si Bickerstaff, pumalit sa nagbitiw na si John Beilein noong nakaraang buwan, ng Cleveland ng multi-year contract.
Inihayag ng Cavaliers ang kasunduan nila ni Bickerstaff bago labanan ang Chicago Bulls para sa pagsisimula ng kanilang six-game trip.
Bagama’t may isa sa koponang may worst records, nagpakita naman ang Cleveland ng major improvement sa ilalim ni Bickerstaff.
Ipinalit si Bickerstaff kay Beilein na nagbitiw sa posisyon matapos ang 54 games sa season.
Nagtrabaho si Bickerstaff bilang associate head coach ng 67-anyos na si Beilein, idinahilan ang personal health issues bilang isa sa mga dahilan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Nauna nang hinawakan ng 41-anyos na si Bickerstaff ang Houston Rockets at Memphis Grizzlies bago lumipat sa Cavaliers.
“Our players have done a phenomenal job of maintaining a high level of professionalism and growing maturity, of which I have been very appreciative,” wika ni Bickerstaff.