Magno, Paalam sumuntok ng tiket sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Dalawa pang Pinoy bo­xers ang umusad sa quar­­terfinals para makala­pit sa Olympic slot sa 2020 Asian-Oceanian Con­tinental Olympic Qua­lifying Tournament sa Amman, Jordan.

Nagtala ng panalo si­na Irish Magno at Carlo Pa­alam sa kani-kanilang di­bisyon, habang tulu­yan nang namaalam sa kon­­tensyon si Ian Clark Bautista sa men’s fea­ther­weight class.

Walang sinayang na sandali si Magno nang pa­kawalan niya ang ma­tatalim na suntok para ma­kuha ang second-round referee-stopped-con­test win laban kay Win­nie Au Yin Yin ng Hong Kong sa women’s flyweight category.

Hindi rin nakaporma sa tikas ni Paalam si Ramish Rahmani ng Afgha­nistan matapos itarak ang unanimous decision win sa kanilang bakbakan sa men’s flyweight class.

Subalit daraan sa ma­tinding pagsubok si Mag­no bago makahirit ng tiket sa Olympics dahil makakasagupa niya si second seed at Asian champion Me­ry Kom Hmangte ng India na sumibak kay Tas­myn Benny ng New Zea­land.

Sasagupain ni Paalam si top seed Amit ng India na naitakas ang 3-2 split decision win kay Enkh­mandakh Kharkhuu ng Mongolia sa hiwalay na second round match.

Na­kalasap si Bau­tista ng kabiguan kay Southeast Asian Games champion Butdee Chat­chai-De­cha ng Thailand.

Nakatakda namang hu­­­mirit ng tiket para sa Tok­yo Olympics sina Ne­sthy Petecio at Eumir Felix Marcial kagabi.

 

Show comments